Linggo, Agosto 12, 2012

IKAW

Hindi ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman ko
Hindi ko maipaliwanag kung masaya o malungkot ako
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito
Pero alam kong may isang bagay na gumugulo sa isip ko... ikaw!

Dumating ka at nakilala kita
Dapat normal lang iyon pero bakit biglang may nag-iba?
Tibok ng puso ko ay nagbago
mabilis... sobrang bilis...

Nagsimulang guluhin nito ang payapa at kontento kong mundo
Natutunan nitong kilalanin ang iyong pagkatao
Hanggang sa piliin nito ang puso mo

Ikaw... oo ikaw! Ang nag-iisang ikaw!
Puso ko'y masaya ngunit isip ko ay natutulala
Gustong ibigin ang ikaw, ngunit ikaw, nais mo bang ibigin ang ako?

Magulo, mahirap at masakit
Walang katiyakan ang lahat
Ngunit patuloy pa rin naniniwala ang puso't isip ko sa kakaunting pag-asa na...

...ang isang ikaw at ako ay magiging tayo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento